Friday 20 May 2011

I Wish Men Were Blind So They Can Look Through Their Heart

Wala pa ata akong nakikilalang lalaki na di nagrereklamo sa itsura at pananamit ng mga babae. Mapa- boyfriend, kaibigan, asawa, o kahit nga di mo kilala may sasabihin at sasabihin talaga. Bakit kaya ganun? Siguro, matatawa kayo sa susunod kong sasabihin kasi alam niyong totoo. ;)


Nag-date kayo ng boyfriend mo. Nung pagdating mo eh bigla nalang sinumpong. Di mo alam kung bakit di ka na niya pinapansin yun pala, dahil sa suot mong pakitang legs. Sasabihin niyang "malaswa" ang suot mo o di naman pagbibintangan ka pa niyang na gusto mo lang eh mang-akit ng ibang mga lalaki. Oh sige. Fine. Check. May point nga siya. Sinasadya mo man o hindi, magiging ganun nga ang dating o sitwasyon. Pero nakaka-BV naman siguro diba kung magka-HHWW (holding hands while walking) kayo nang biglang may dumaan na pesteng este babaeng naka-pekpek shorts. Hawak mo nga ang kanyang kamay, pero sa kanya naman nakatingin, tumutulo pa ang laway!


Next case scenario. Long straight at simple lang naman ang ayos ng buhok mo. Isang araw, bigla nalang sinabi ng boyfriend mo sa'yo na na-bobored na siya sa "safe" mong look. Eh ikaw naman si uto-uto, nag-experiment ka naman ng kung anu-ano! Nagpakulot ka o nagpagupit ng buhok o nagpakulay naman. Your my wish is my command nga naman diba? Pagkalabas na pagkalabas mo ng salon bigla nalang niyang sasabihin, "Di bagay" o "Masgusto ko ang dati mong look." O____O


Bakit kaya ganun? Nanligaw ka pa kayo kung gusto niyo lang pala akong baguhin! Ikaw yung tipong babaeng malakas kumain pero napipilitang mag-diet dahil baka iwanan o pagpalitan ng syota pag tumaba. At kahit pa sabihin niyang, "Mahal kita kung ano ka man" 'pag kasama naman ang barkada, ang daming kalokohang ginagawa! Magrereklamo na "tumataba na si ganito" o di kaya "tang ina pare, ang payat masyado ni *insert girlfriend's name here* di nakaka-turn on" o masmalala, mangchichicks!


Tinatanong niyo siguro kung paano ako nakakasigurado at ba't ko 'to alam? Eh nagka-boyfriend din naman ako. At kahit alam kong di niya aaminin, madami siyang gustong baguhin sa mga panlabas kong aspeto. May mga lalaki din akong mga kaibigan at kabarkada, at yun na nga ang nangyayari. Pinag-uusapan ang syota. Wooo. Nung nanliligaw palang, halos sambahin at gawing diyosa pero pag naging sila na, panay ang reklamo, panay gustong baguhin! Tama ba ako o tama ba ako? Haha.


DOWNFALL DIYAN: Demanding ang mga lalaki - gusto straight, gusto kulot, gusto long, gusto short, gusto payat, gusto chubby, gusto simple, gusto fashionista. Ay naku, ewan! Ano ba talaga?! Di ba pwedeng sabihin nalang na, "Kahit ganito ka. Kahit ganyan ka. Kahit ano ka pa. Maganda ka at mahal na mahal kita."


Maraming babae ang sasang-ayon dito. Madaming lalakeng eepal. Pero sad to say, di naman kami mga tanga. Di niyo siguro napapansin na unconsciously, ginagawa niyong living breathing Barbie doll ang mga girlfriend niyo. Di naman namin kayo ma-blablame kasi nga "naka-hardwire" na diyan sa mga kukute niyo na ganun kayo mag-function. Eh di sana nag'malfunction nalang kayo kung ganun! Haha. Pero di nga. Balang araw siguro marerealize no rin. Pag kaming mga babae na ang mag-demand ng kung anu-sno sa inyo. And mind you, masakit 'tol. Masakit na masakit pag di ka kayang tanggapin kung sino at kung ano ang meron at wala ka ng mahal mo.


xoxo,
Sheena <3

No comments: